--Ads--

CAUAYAN CITY– Nasangkot sa aksidente ang isang pulis na nakalataga sa Station 1 ng Santiago City Police Office sa bahagi ng Sampaloc Street Corner, Calaocan, Santiago City.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, minamaneho ang motorsiklo ni Patrolman Sean Ramel Desiderio, 24 anyos, binata kasapi ng Station 1 ng SCPO, residente ng Barangay Baluarte, Santiago City habang minamaneho ang isang Rusi Motorcycle ni June Jagunub, 34 anyos, may asawa, isang tindero at residente ng Barangay Calaocan, Santiago City nang biglang magbanggaan.

Lumabas sa paunang imbestigasyon ng tanggapan ng Traffic Group, patungo lalawigan ng Quirino sina Jagunub kasama ang sakay nitong si Marilyn Malapug, 33 anyos, isang tindera at residente ng Narra, Echague, Isabela habang ang Motorsiklo naman ni Desiderio ay binabagtas ang Daan patungong Centro Poblacion nang magkabanggaan

Lumabas sa occular inspection na isinagawa ng Traffic Group, na ang pirapirasong bahagi ng Motorsiklo ni Jagunub ay nasa tamang linya nito habang patuloy pa rin ang mas malalimang imbestigasyon sa naturang aksidente.

--Ads--