--Ads--
CAUAYAN CITY – Namatay ang isang mag-aaral matapos tupukin ng apoy ang kanilang bahay sa barangay San Jose, Santiago City
Ang nasawi ay si Nadine Zerrudo Viernes, 14 anyos habang nasugatan sina Nestor Selmo Zerrudo, 66 anyos, Aida Ancheta Zerrudo, 64 anyos at Sophia Zerrudo Viernes, 10 anyos pawang residente ng San Jose, Santiago City.
Nasa kasarapan ng tulog kagabi ang mga magkakamag-anak ng sumiklab ang sunog sa kanilan bahay.
Sinikap tulungan ng mga kapatbahay ang mga biktima ngunit hindi nakalabas sa kanyang kuwarto si Nadine sanhi para mamatay sa sunog.
--Ads--
Patuloy ang imbestigasyon ng mga kasapi ng BFP Santiago City at SOCO sa nasabing sunog.











