CAUAYAN CITY– Nagpapagaling pa rin sa pagamutan ang isang pamilya matapos umano silang ma-food poison kagabi sa barangay Sta Luciana, Cauayan City.
Ang mga biktima ay si Johnny Salgado,45 anyos,magsasaka ang misis na si Elizabeth Salgado, 41 anyos, ang kanilang anak na sina Christropher, 16 anyos; Daisy,15 anyos, Jaypee, 12 anyos, ang 5 anyos na kambal na anak na sina Angelo at angela pawang pawang residente ng barangay Sta. Luciana, Cauayan City.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginang Elizabebeth Salgado , sinabi niya kumain umano ang mga biktima kagabi ng kanin at ulam na isdang tilapia.
Patay na ang mga isda nang mabili ng ginang.
Gayunman, matapos ang ilang minuto ay nakaranas na umano ng pananakit ng tiyan at pagduduwal ang mga biktima na agad namang dinala sa pagamutan ng rescue 922 para malapatan ng lunas.
Sinabi ni Ginang Salgado na bago luto naman ang kanilang kinaing kanin at ang ulam na isda ngunit may hinala siya ang ulam na tilapia ang sanhi ng kanilang pananakit sa tiyan.