--Ads--

CAUAYAN CITY – Hindi apektado ng ashfall ang Nasugbu, Batangas dahil nag-iba ang direction ng hangin ngunit apektado ng pagyanig dahil aabot sa 100 ang naitala hanggang kaninang madaling araw.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer (MDRRMO) Alex Pimentel ng Nasugbu, Batangas na itinuturing nilang biyaya na hindi sila apektado ng ashfall.

Ang naging factor dito aniya ay naging habagat ang nararanasan nila ngayon mula sa dating amihan.  

Ayon kay Ginoong Pimentel, ang nararamdaman lamang nila ngayon ay ang hangin na magaspang sa balat at masakit sa mata.

--Ads--

Ang focus nila ay ang pagpapatupad ng emergency plan sa mga  barangay para mailikas ang mga mamamayan na nasa mapanganib na lugar.

Sinabi pa ni Ginoong Pimentel na bumubuhos ang tulong para sa mga apektado ng kalamidad.

Nagpapadala ng tulong  na pagkain at damit ang mga bayan sa Cavite at Batangas na hindi apektado ng pagputok ng Bulkan.

Ilang bayan ang nagpatupad ng forced evacuation na kinabibilangan ng Mataas na Kahoy, Lipa City, Talisay City, Tanauan,  Laurel, Agoncillo, San Nicolas at Sta. Teresita, Batangas.

Ang tinig ni MDRRMO Alex Pimentel