--Ads--
Photo Credit: Mr Jovener Dupilas

CAUAYAN CITY –  Nagsagawa ng aerial assessment ang  National Disaster Risk Reduction and Management Cooucil kasama ang mga kinatawan ng Department of Social Welfare and development (DSWD) sa Calabarzon at region IV-A at Presidential Management Staff (PMS) para malaman kung  hanggang saan ang abot ng pagsabog ng bulkang Taal.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Mr. Jovener Dupilas, Spokesperson ng RDRRMC Calabarzon, sinabi niya na patuloy ang evacuation sa mga bayan ng Batangas na apektado ng ashfall.

Umabot na aniya sa mahigit 20,600 actual evacuees at  hindi pa kasama ang hindi nailista dahil  nagkusa silang pumunta sa mga ligtas na lugar.

Sinabi ni Ginoong Dupilas na inaasahang lolobo ang bilang mga evacuees dahil hindi batid kung kailan titigil pag-alburuto ng bulkang Taal.

--Ads--

Sinabi pa ni Ginoong Jovener na  walang problema sa resources lalo na ang mga evacuation vehicles.

Ang suliranin nila ay ang  accessibility ng mga lugar na na  nangangailangan ng tulong dahil kailangan din nilang isaalang-alang na kaligtasan ng mga rescue teams.

Ang tinig ni Mr. Jovener Dupilas