CAUAYAN CITY – Aasahan ngayong taon ang mas maigting pa na internal cleansing sa hanay ng Philippine National Police (PNP).
Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay BGen. Bernard Banac, spokesperson ng PNP, sinabi niya na isa sa layunin ng pagtungo nila sa Regional Training Center 2 sa Cauayan City ang mas pagpapa-igting sa pagsulong ng kanilang kampanya sa internal cleansing.
Bahagi nito ang kanilang information dissemination campaign para mas lalo pang pag-igihin at pagtibayin ang kanilang preventive aspect sa internal cleansing.
Kailangan aniyang mapanatili ang disiplina sa kanilang hanay para maibalik ang tiwala ng mga mamamayan sa pulisya.
Hindi naman ikinakaila ng opisyal na may mga pulis pa ring nasasangkot sa iligal na gawain.
Sa ngayon ay umaabot na aniya sa mahigit 1,400 na pulis ang mga natanggal sa serbisyo sa buong bansa.
Katuwang nila rito ang Faith Base denomination upang matulungan ang mga pulis sa Values formation at spiritual development.
Ayon pa kay BGen. Banac, pangalawang rason sa pagtungo nila sa nasabing training center ay para imotivate at hikayatin ang mga pulis trainee na ihanda ang kanilang sarili para kapag nakapagtapos sila ay kahanda na silang tuparin ang kanilang tungkulin.