--Ads--

CAUAYAN CITY – Patay ang isang lalaki matapos na bumangga  kagabi ang minamanehong motorsiklo sa kongketong signage ng barangay Labinab.

Ang biktima ay si Florence Pascual, 25 anyos at residente ng Dalit, Burgos, Isabela.

Lumabas sa pagsisiyasat ng Cauayan City Police Station na nawalan ng kontrol ang biktima sa minamanehong motorsiklo sa pakurbadang bahagi ng daan na dahilan para  bumangga sa kongkretong signage.

Sa lakas ng impact ay nagtamo ng malubhang sugat sa ulo ang biktima na naging sanhi ng kanyang kamatayan.

--Ads--

Dinala ng Rescue 922 si Pascual sa Cauayan District Hospital ngunit idineklarang dead on arrival.