--Ads--
CAUAYAN CITY– Umabot sa mahigit labing tatlong libo ang lumahok sa I run for Taal na bahagi ng Bambanti Festival 2020 upang makatulong sa mga biktima ng pag-aalburuto ng Bulkang Taal sa Batangas.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Board member MM Albano na karamihan o 60% sa mga dumalo sa I run for Taal ay mga kabataang mag-aaral.
Bukod sa mga kabataang mag-aaral ay dumalo sa I Run for Taal ay mga mamamayang Isabelino at mga opisyal ng Isabela.
Inihayag ni Albano na nakalikom sila ng mahigit 1.2 million piso sa isinagawang I run For Taal.
--Ads--
Ang nalikom na pondo ay ibibili ng bigas na dadalhin sa batangas para sa mga nangangailangang biktimang ng pagsabog ng Bulkang Taal.











