--Ads--

CAUAYAN CITY – Nakakulong na sa detention cell ng Cauayan City Police Station ang driver ng 10 wheeler truck matapos araruhin ang 6 na sasakyan kabilang ang isang bus sa nasasakupan ng national highway brgy District 2, Cauayan City.

Ang mga nasangkot na mga sasakyan ay isang 10 wheeler truck na pag- aari ni Lucas Ballad na minamaneho ni Cayetano Repollo, 51 anyos, residente ng Tuguegarao City kabilang na ang isang toyota, isang pick up, isang toyota avanza, isang motorsiklo, isang mitsubishi adventure at isang bus.

Lumabas sa pagsisiyasat ng Cauayan City Police Station na ang mga sasakyan ay pawang patungo ng north direction nang ang 10 wheeler truck ay nawalan ng preno at hindi na nakontrol ng drayber ang manibela.

Nang kabigin pakaliwa manibela ng 10-wheeler truck ay nasagi nito ang toyota fortuner na bumanga naman sa sinusundang pick up na bumangga naman sa toyota avanza.

--Ads--

Kahit pilit umanong kinokontrol ng driver ng 10 wheeler truck ay dumiretso pa rin ito sa iba pang sasakyan at nabangga nito ang motorsiklo, ang sinusundang adventure hanggang sa mahagip din sa likod ang bus na nasa unahan.

Sa paliwanag naman ng driver ng 10 wheeler truck, naubusan ng hangin ang kanyang preno kaya hindi na niya nagawan ng paraan.