--Ads--

CAUAYAN CITY – Naglabas ng memorandum circular ang Department of the Interior and Local Government (DILG) upang ipag-utos ang pagbuo ng mga tricycle task force sa mga local government units sa Isabela.

Kasabay sa utos ng pamahalaan na may kaugnayan sa mga road clearing operation ay itinalaga ang mga local chief executive na chairman at vice chairman naman ang chief of police na pangunahing mangangasiwa sa bubuuing task force para sa paglalatag ng mga planong ruta ng tricycle sa kanilang nasasakupan.

Sa ginanap na pagpupulong na pinangunahan ni Provincial Administrator Atty. Noel Manuel Lopez, kanyang ipinahayag na kinakailangang may mga maitatalagang alternate routes sa mga bayan at lunsod na bahagi ng national highway sa lalawigan upang magsisilbing daanan ng mga tricycle at pedicabs.

Nakapaloob din sa Memorandum Circular na kung sakaling walang mga maitatalagang alternatibong ruta sa lugar bilang aksyon ay dapat siyasatin at suriin ng mga kasapi ng task force kung saang bahagi ng pambansang lansangan ang maaring daanan ng mga tricycle.

--Ads--