--Ads--

CAUAYAN CITY – Inaresto ang isang driver matapos mahuli sa loob ng hotel kasama ang isang menor de edad sa San Andres, Santiago City.

Ang inaresto ay si Ben, 29 anyos, may asawa at residente ng Dubinan East Santiago City.

Ang kasama niya sa hotel ay isang 17 anyos na dalagita.

Sa imbestigasyon ng Presinto Uno, dakong 3:55 kaninang madaling araw nang magpatulong ang nakatatandang kapatid ng dalagita sa mga otoridad na nakatalaga malapit sa isang pribadong ospital sa Santiago City.

--Ads--

Nakita niya umanong isinama ng suspek na nakainom ng alak ang kanyang kapatid sa isang hotel.

Nagtungo ang mga otoridad sa hotel at natagpuan sa isang silid ang suspek at ang dalagita na umiinom ng alak.

Dinala sa Presinto Uno ang suspek na nakatakdang kasuhan ng paglabag sa Republic Act 7610 o Anti-Child Abuse Act.

Todo tanggi ang suspek sa paratang sa kanya at iginiit na wala namang nangyari sa kanila ng dalagita.