--Ads--

CAUAYAN CITY – Nakumpiska ng mga otoridad ang tinatayang 800 board feet ng mga nilagareng kahoy sa isang palayan sa Gayong-Gayong Norte, City of Ilagan.

Sa operasyon ng pinagsanib na puwersa ng City of Ilagan Police Station at Community Environment and Natural Resources Office (CENRO) Naguilian ay nakuha ang mga nilagareng Gmelina.

Bukod sa mga sawn lumber ay nakuha Rin sa lugar ang isang chainsaw na ginamit sa paglagare sa mga kahoy.

Ayon sa mga otoridad, ang mga nakumpiskang kahoy ay posibleng gagamitin sa paggawa ng bahay o mga muwebles.

--Ads--