CAUAYAN CITY – Iimbestigahan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang tunay na dahilan ng pagsasara ng auto production plant ng Honda Cars Philippines Incorporated (HCPI) sa Laguna.
Labis na nadismaya si Labor Secretary Silvestre Bello III sa biglang pagsasara ng planta ng kompanya nang walang sapat na abiso sa mga manggagawa
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Kalihim Bello na dapat binigyan ng sapat na panahon na  makapaghanda ang 380 na manggagawa at hindi biglang mawawalan ng hanapbuhay.
Ayon kay Atty. Bello, apektado rin ang pagsasara ng kompanya ang mga supplier nito ng baterya at upuan.
Magpapatupad aniya ang DOLE ng altenative employment para maihanap ng trabaho sa iba pang automotive industry ang mga mawawalan ng trabaho.












