CAUAYAN CITY – Magsisimula na bukas ang pamamasada ng mga 25-seater modern Public Utility Vehicles (PUV) na pinasinayaan kaninang umaga sa pangunguna ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Ang mga modernong PUV ay may biyaheng Cauayan City hanggang City of Ilagan.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Ginoong Isaias Baysa, chairman ng City of Ilagan Public Utility Transport Cooperative na malaki ang pagkakaiba ng mga modernong jeep at van dahil mayroon itong aircondition, CCTV at GPS tracking device at cashless transaction.
Mas mataas din ng 2 pisos ang pasahe dahil mula sa 8 pesos ay magiging 10mpesos bawat pasahero.
Ang mga tsuper ay salary based at hindi na boundary system, mayroon silang kontribusyon sa Philhealth at sa Pag-ibig Fund.
Nilinaw ni Ginoong Baysa na bibiyahe pa rin ang mga lumang jeep habang kulang pa ang bilang ng mga modernong PUV.










