--Ads--
kuha sa CCTV ng Buenavista, Santiago City

CAUAYAN CITY– Patuloy pa ring pinaghahanap ng mga otoridad ang nagmamayari ng isang puting SUV na may plakang ZPN 486 na siyang sumalpok sa isang Tricycle sa Purok 4 Barangay, Buenavista, Santiago City.

Kinilala ang tsuper ng pulang tricycle na si Marvin Manrique, 25 anyos, may- asawa, tricycle driver at residente ng Barangay Cabulay, Santiago City na lulan si Joshua Pascual, 21 anyos, binata, estudyante at residente ng Barangay Buenavista.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, napag-alaman na magkaiba ang direksyon na tinatahak ng dalawang sasakyan bago mangyari ang aksidente.

Nagmula ang tricycle sa bahagi ng poblacion patungong norte habang gagling ang SUV sa Valentin Street patungong kanlurang direksyon.

--Ads--

Nang makarating sa intersection, bigla na lamang nagsalpukan ang dalawang sasakyan.

Batay sa kuha ng CCTV hindi tumigil ang rumaragasang SUV matapos masalpok ang tricycle at tuloy tuloy na tumakas.

Agad dinala ng mga tumugong kasapi ng ang pasahero ng tricycle na si Pascual sa pinakamalapit na pagamutan para malapatan ng lunas habang bahagya namang nasaktan ang tsuper

Samantala, isang concerned citizen naman ang nagtungo sa himpilan ng Traffic Group upang ipagbigay alam na sinubukan nitong sundan ang nasabing SUV ngunit dahil sa bilis ay hindi na nagawa pa nitong maabutan ang suspek ngunit nakuha nito ang plaka ng sasakyan na

Ibinigay nito ang plaka ng sasakyan ng pinaghihinalaan na ZPN 486.