--Ads--

CAUAYAN CITY – Kinumpirma ng pamunuan ng Cagayan Valley Medical Center (CVMC) na mayroon silang 2 bagong Person’s Under Investigation (PUI).

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Glenn Mathew Baggao, Medical Center Chief ng CVMC, sinabi niya na noong Martes ay may bagong naadmit na isang 43-anyos na babae na taga-Ballesteros, Cagayan at galing sa Hongkong.

Dumating aniya siya sa Cagayan noong February 9.

Idinagdag pa niya na mayroon din silang pinasundo kahapon na isang Overseas Filipino Worker (OFW) na galing din sa Hongkong at dumating noong February 23.

--Ads--

Siya ay isa ring babae, 32-anyos na taga-Delfin Albano, Isabela.

Pinasundo nila ito dahil nakitaan siya ng na gaya ng pag-uubo at soar throat.

Una rito ay nakalabas na rin ang 18 na PUI sa CVMC noong nakaraang linggo matapos silang magnegatibo sa test ng COVID-19.

Ayon kay Dr. Baggao, nalalaman nila ang mga dumarating sa rehiyon na galing sa ibang bansa na may kaso ng COVID-19 sa pamamagitan ng Regional Epidemiological Surveillance Unit ng DOH Region 2.

Muli naman niyang nilinaw na kung PUI ay hindi positibo sa COVID-19 kundi under investigation pa lamang kaya walang dapat na ikatakot ang publiko.

Tiniyak din niya na laging nakahanda ang mga doktor at nurses sa CVMC na tumututok sa nasabing sakit.

Tinig ni Dr. Glenn Mathew Baggao, Medical Center Chief ng CVMC.