--Ads--

CAUAYAN CITY – Arestado ang isang fish dealer na DI watchlist sa ikinasang buy bust operation ng mga otoridad sa barangay Bugallon Norte, Ramon Isabela.

Ang inaresto ay si Jay-jay Blanco, dalawampu’t apat na taong gulang at residente ng Purok 4, General Aguinaldo, Ramon, Isabela.

Naaresto si Blanco sa ikinasang buy bust operation ng pinagsanib na puwersa ng mga kasapi ng Ramon Police Station at PDEA Region 2.

Nakuha sa kanyang pag-iingat ang isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang dahon ng pinatuyong dahon ng marijuana, P500 na buy bust money at isang cellphone.

--Ads--

Samantala, sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan sa pinaghihinalaan, sinabi niya na sinubukan niyang iwasan ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot subalit hindi niya magawa.

Pinagsisihan naman niya ang muli niyang paggamit na dahilan ng kanyang pagkakahuli.

Inihayag pa niya na una na siyang sumuko noon sa oplan tokhang ng PNP.