CAUAYAN CITY – Patay ang isang babaeng negosyante matapos mabangga ng kasalubong na motorsiklo ang minamanehong motorsiklo habang binabagtas kagabi ang daan sa barangay Minanga, San Mariano, Isabela.
Ang nasawi ay si Rosalinda Pacis, 38 anyos at residente ng Alibadabad, San Mariano, Isabela.
Pauwi na kagabi si Pacis matapos magsara sa kanyang tindahan sa palengke nang makabanggaan ang motorsiklo na minamaneho ni Elmer Domingo na kabarangay din niya sa Alibadabad.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni SSgt Rogelio Ignacio Jr., investigator ng San Mariano Police Station na umagaw ng linya sa daan si Domingo kaya naganap ang banggaan ng dalawang motorsiklo.
Ginagamot sa ospital si Domingo na nagtamo rin ng sugat sa katawan.
Siya ay kakasuhan ng reckless imprudence resulting in homicide and damage to property












