--Ads--

CAUAYAN CITY – Malaking kawalan sa mga nagnenegosyo sa Daegu City, South Korea ang Corona Virus Disease 19 outbreak sa nasabing lugar.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan,inihayag ni Ginoong Angelito Haber, isang negosyante sa Daegu City, South Korea na may ilang kompanya na rin ang pinagbabakasyon ng isang linggo ang kanilang mga empleyado dahil sa banta ng COVID 19.

Maging siya ay 8 araw nang sarado ang kanyang restaurant at nalugi na siya sa kanyang kita dahil sa COVID 19.

Mayroon anyang ilang bukas na restaurant at grocery ngunit karamihan ay sarado

--Ads--
Tinig ni G. Angelito Haber ng Daegu City, South Korea

Kapansin-pansin din sa Daegu City na wala nang gaanong lumalabas sa kanilang mga tahanan