CAUAYAN CITY – Mahigit 8 billion pesos ang naitalang halaga ng mga pinsala sa Calabarzon sa naganap na pagsabog ng bulkang Taal sa Batangas noong buwan ng Enero 2020.
Ang pinsala sa infrastracture ay 233 million pesos, sa production ay 243 million, sa social sector particular sa housing ay mahigit 3 billion at sa losses na kinabibilangan ng mga namatay na hayup, nasirang plantasyon at nawalang kita ng mga mamamamayan ay aabot sa 4 billion pesos.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Mr. Jovener Dupilas, information officer ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC) CALABARZON na nakipagpulong ang kanilang tanggapan sa gobernador ng Batangas at naiprisinta ang assessment sa kabuuang pinsala ng pagputok ng bulkan.
Sinabi pa ni Mr. Dupilas na maari pang madagdagan ang 8 billion pesos na pinsala sa buong CALABARZON dahil may mga bayan na hindi pa naghahain ng kanilang mga report.
Aniya, pantay-pantay ang ibibigay na tulong ng pambansang pamahalaan sa mga naapektuhan ng pagsabog ng bulkang Taal.
Nilinaw ni Dupilas na natagalan ang pagdedeklara ng state of calamity sa buong Calabarzon dahil naging kakaiba ang aktibidad ng bulkan.

Sinabi pa niya na matapos makumpleto ang kanilang mga report ay ipiprisinta na nila ito sa national government












