--Ads--

CAUAYAN CITY – Patay ang driver at pahinante ng isang six by six truck na may mga kargang tubo at bumaliktad matapos banggahin truck na nawalan ng preno sa San Mariano, Isabela.

Ang mga nasawi ay sina Ricky Libaton, 47 anyos, driver ng six by six truck at pahinante na si Jackson Diarios, 33 anyos, kapwa residente ng Gangalang, SanMariano, Isabela.

Ang driver ng truck na nawalan ng preno at bumangga sa kanila ay si Mike Piniera, 38 anyos, residente ng Alibadabad, San Mariano, Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni PSSg Rogelio Ignacio Jr., imbestigador ng San Mariano Police Station na bumaliktad ang six by six truck at tumilapon ang dalawa at nadaganan ng mga sakay na tubo.

--Ads--

Agad na tumugon ang rescue team ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) subalit patay na sina Libaton at Diarios nang idating sa San Mariano Communiy Hospital.

Sasampahan si Piniera ng kasong Reckless Imprudence Resulting in Double Homicide and Damage to Property.

Nangako naman ang negosyanteng may-ari ng truck na magkakaloob ng tulong sa pamilya ng nasawing driver at pahinante.

Ang tinig ng PSSg Rogelio Ignacio