--Ads--

CAUAYAN CITY – Pansamantalang ipinagpaliban ng pamahalaang lunsod ng Cauayan ang pagdiriwang ng Gawagaway-yan Festival dahil sa banta ng Coronavirus Disease (COVID-19).

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Michael De Guzman, director general ng Gawagaway-yan Festival, sinabi niya na noong nakaraang Huwebes ay nakipagpulong sila kay Mayor Bernard Dy kaugnay ng pagpapaliban sa pagdaraos ng Gawagaway-yan Festival.

Napagkasunduan na sa halip na bubuksan ang pagdiriwang kasabay ng anibersaryo ng 19th Cauayan Cityhood sa March 30, 2020 ay inilipat ito sa April 21 hanggang May 1, 2020.

Ayon kay Mr. De Guzman, ang hakbang ay bilang pagtalima sa inilabas na guidelines ng Department of Health (DOH) na pag-iwas sa pagpunta o pagdalo sa mga aktibidad at matataong lugar.

--Ads--

Gayunman, tiniyak niya na matutuloy ang Gawagaway-yan Festival at Cagayan Valley Regional Athletics Association (CAVRAA) Meet 2020 na magkasunod na idaraos ngayong Marso at Abril 2020.