--Ads--

CAUAYAN CITY – Kinuwestyon ng isang miyembro ng Sangguniang Panlalawigan sa lalawigan ng Nueva Vizcaya ang public hearing na isinagawa sa compound ng isang malaking minahan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Edgardo Balgos, miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ng Nueva Vizcaya, sinabi niya na noong February 28 ay nagkaroon ng public hearing ang Committee on Indigenous Cultural Communities and Indigenous People ng house of representatives sa compound ng Oceana Gold.

Aniya, isinagawa ang public hearing dahil sa report na paglabag sa karapatang pantao ng Oceana Gold sa mga residente ng Didipio, Kasibu.

Ayon kay Atty. Balgos, marami ang hindi pumasok dahil compound ito ng kanilang inirereklamo at ang gusto sana nila ay sa ibang lugar ito isagawa para mailabas nila ang kanilang mga hinaing.

--Ads--

Sa ngayon, ay gagawa sila ng isang resolusyon na humihiling na magsagawa ulit ng public hearing na gaganapin sa ibang lugar.

Tinig ni Atty. Edgardo Balgos