CAUAYAN CITY – Naaresto ng mga alagad ng batas ang number 1 at number 3 most wanted person provincial level dahil sa kasong rape.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Ferdinand Corpuz, hepe ng Bambang Police Station, sinabi niya na nadakip sa Solano, Nueva Vizcaya ang akusado na si Marco, 18 anyos, binata, magsasaka at residente ng naturang lugar.
Dinakip ng mga miyembro ng Bambang Police Station at Provincial Intelligence Branch ng Nueva Vizcaya Police Provincail Office (NVPPO) sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Paul Attolba ng Regional Trial Court ng Bayombong, Nueva Vizcaya dahil sa 7 na kaso ng rape.
Ayon kay PMaj. Corpuz, ang biktima ay menor de edad na kapitbahay ng akusado.
Paulit-ulit umano ang ginawang panggagahasa sa biktima na hindi agad nagsumbong dahil sa pagbabanta sa kanyang buhay.
Samantala, sa Aritao, Nueva Vizcaya ay naaresto ang number 3 most wanted person provincial level dahil sa 3 counts ng rape.
Sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo Cauayan kay PCMS Allan Jalmasco ng Aritao Police Station, kinilala niya ang nadakip na akusado na si John, binata at laborer.
Inaresto ang akusado ng Aritao Police Station, Provincial Inteligence Branch sa bisa ng Warrant of arrest na inilabas ni Hukom Paul Atolba, Regional Trial Court Court Branch 30 ng Bayombong dahil sa 3 counts ng rape.
Dati umanong magkaibigan ang akusado at ama ng biktima.
Sinasamantala umano ng akusado ang panghahalay sa 10 anyos na biktima kapag nag-inuman sila at nakatulog na sa kalasingan ang ama ng bata.
Dahil sa takot, hindi agad nagsumbong ang biktima ngunit umamin sa ilang kaanak sa panghahalay sa kanya ng akusado.












