--Ads--
Tinig ni Pcapt. Ronald Suyu.

CAUAYAN CITY – Patay ang isang ginang habang malubhang nasugatan ang isang estudyante matapos silang mabangga ng isang 10 Wheeler truck sa National Highway na nasasakupan ng Villanueva, San Manuel, Isabela.

Ang namatay ay si Angelica Bugarin, nasa tamang edad at ang malubhang nasugatan ay si Jennylyn Millang, 22-anyos, Grade 8 student at kapwa residente ng naturang lugar.

Habang ang tsuper ng 10 Wheeler truck ay si Cherwin Anolin, 32-anyos, at residente ng Madadamian, Echague, Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Pcapt. Ronald Suyu, hepe ng San Manuel Police Station, sinabi niya binabagtas ng 10 Wheeler truck ang naturang lansangan patungong timog nang makarating sa pinangyarihan ng aksidente ay nawalan ng kontrol ang tsuper nito kaya nahagip ang isang motorsiklo na nakaparada sa gilid ng lansangan at ang mga biktima na naglalakad sa gilid ng daan.

--Ads--

Dahil sa lakas ng pagkakabangga ay nagtamo ng malalang sugat ang mga biktima na agad dinala sa pagamutan subalit idineklarang dead on arrival si Angelica Bugarin.