--Ads--

CAUAYAN CITY – Takot na ang mga mamamayan sa Daegu City, South Korea na lumabas at mas ninanais na manatili sa loob ng kanilang tahanan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Mark Anthony Dayag, tubong Isabela at isang OFW sa Daegu City, South Korea, sinabi niya na nangangamba sila sa mabilis na pagkalat ng virus sa nasabing lugar.

Dalawang taon na siya sa Daegu City at noong bagong dating siya sa lugar ay kapansin-pansin ang maraming tao na naglalakad at halos punong-puno ang mga malalaking department stores ng mga mamimili ngunit ngayon ay halos wala ng tao ang lumalabas sa kanilang tahanan.

Maging sa mga lansangan ay wala ng makikitang taong naglalakad at mangilan ngilan na rin ang mga sasakyang makikita.

--Ads--

Nag-aalala ngayon ang mga kapwa niya OFW na kapag lumala pa ang COVID-19 ay baka mawalan na sila ng trabaho.

Tinig ni Mark Anthony Dayag.