CAUAYAN CITY – Nahaharap sa patong patong na kaso ang isang Foreman na nadakip sa entrapment operation ng Solano Police Station sa Espino Street, Quirino, Solano, Nueva Vizcaya.
Dinakip si Brix Padon, 29-anyos, may asawa, at residente ng Poblacion, Ambaguio, Nueva Vizcaya.
Isinagawa ang entrapment operation sa pangunguna ng Municipal Drug Enforcement Units at Intelligence Operatives ng Solano Police Station sa pangunguna ni PMajor Ferdinand Laudencia, Chief Of Police ng nasabing Himpilan.
Kapalit ng P13, 000 halaga ng Magnum Caliber 22 revolver ay nakipagkita ang pinaghihinalaan sa isang pulis na nagpanggap na bibili ng nasabing baril.
Pagkatapos ng transaksyon ay inaresto ang pinaghihinalaan kasabay ng pagkumpiska ng hindi lisensyadong baril na may 2 bala at nakuha din sa kanyang pag-iingat ang P13, 000 boodle Money, ilang Drug Paraphernalia, Android Phone, 1 Cellphone at 1 Mitsubishi Pick up na kinalalagyan ng ilan pang kagamitang nakumpiska sa pinaghihinalaan.
Nahaharap sa kasong Paglabag sa Republic Act 10591 (Illegal possession of Firearms) at Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang pinaghihinalaan.
Dinala na sa Solano Police Station si Padon para sa Kaukulang dokumentasyon at disposisyon.











