--Ads--
CAUAYAN CITY – Binalaan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) Region 2 ang mga employer sa ikalawang rehiyon na hindi susunod sa wage increase.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Board Secretary Heidelwina Tarrosa ng RTWPB Region 2, sinabi niya na kung ayaw ng mga employer na maisailalim sa inspection complaint kapag nalaman ng pamunuan ng Department of Labor & Employment o DOLE na hindi sila tumalima sa bagong wage order sa rehiyon ay kailangan nilang sumunod.
Aniya, mayroon na itong basehan kaya dapat lamang silang sumunod at para na rin ganahan ang kanilang mga manggagawa na magtrabaho.
Maliit man aniya ang ibinigay nilang dagdag ay mayroon din itong maitutulong sa mga manggagawa.
--Ads--










