--Ads--

CAUAYAN CITY – Nasugatan ang isang medical representative at isang pulis sa banggaan ng dalawang motorsiklo sa Centro East, Santiago City.

Ang mga biktima ay sina Francis Isip, 30-anyos, Medical Representative, at residente ng Centro West, at si Patrolman Julius Diaz, 25-anyos, kasapi ng Santiago City Police Office o SCPO at residente ng Turod Sur, Cordon, Isabela.

Sa pagsisiyasat ng Traffic Group, binabagtas ng dalawang motorsiklo ang daan sa magkasalungat na direksyon nang makarating sa pinangyarihan ng aksidente ay bigla na lamang umagaw ng linya si Isip dahilan para masalpok ito ng motorsiklo na minamaneho ni Diaz.

Nagtamo ng galos at sugat sa katawan ang dalawa na agad namang dinala sa pagamutan para malapatan ng lunas.

--Ads--