CAUAYAN CITY – Ilang Italyano na mula sa Milan region sa Italy ang umalis na sa kanilang mga trabaho para makalabas ng Milan kasunod ng pagpapatupad ng lockdown ng kanilang pamahalaan.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Nita Betuing, isang Caregiver sa Milan Italy na tubong Rizal Nueva Ecija, sinabi niya na ibinaba noong Sabado ang lockdown sa Milan at wala ng nakakapasok at nakakalabas sa rehiyon.
Dahil sa lockdown ay nagmistula nang goshtown ang Milan matapos na tumakas ang mga Italyano para makalabas sa Milan region.
Maliban dito ay naapektuhan na rin ng lockdown ang hanapbuhay ng maraming OFW na naroon dahil ilan sa kanilang mga employer ang hindi na nagpapapasok ng kanilang mga kasambahay habang sapilitan namang pinagbabakasyon ang iba.











