--Ads--

CAUAYAN CITY -Kinumpirma ng Civil Service Commission (CSC) Isabela na kanselado na ang civil service examination na nakatakda sana sa araw ng Linggo, March 15, 2020

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Provincial Director Rewina Arugay ng Civil Service Commission o CSC Isabela na kinansela ang nasabing pagsusulit bilang pag-iingat sa Corona Virus Disease o COVID 19.

Sinabi pa ni Provincial Director Arugay na hindi pa malaman kung kailan ang schedule ngunit tiniyak ng CSC na magbibigay ng mga impormasyon sa Bombo Radyo sa mga susunod na mga araw kung kailan ituloy ang nasabing pagsusulit.

Samantala, sa computerized schedule ng pagsusulit ng CSC ay tuloy pa rin batay sa kanilang itinakdang schedule.

--Ads--

Habang ang schedule naman sa pagsusulit na nakatakda sa Augost 9, 2020 ay maari nang mag-apply sa May 11 at June 10.

Tinig ni Prov’l. Director Rewina Arugay ng CSC Isabela