
CAUAYAN CITY – Nahuli sa akto ang isang pulis sa pagtataya sa online sabong sa Dubinan West, Santiago City.
Sa operasyong isinagawa ng Regional Investment Management Enforcer Team, Regional Highway Patrol Unit 2, City Investigation Branch, Santiago City Police Office at Presinto Dos, naaresto ang pulis.
Ang dinakip ay si PSSG Cecilio Espiritu Jr., 48 anyos may asawa at residente ng Abra, Santiago City at miyembro ng PNP Highway Patrol Group sa Nueva Vizcaya.
Nahuli siya sa aktong nagtataya sa UFCC SABONG. COM GLOBAL ng operating troops dakong alas dose ng hatinggabi.
Dinala siya sa Presinto Dos para sa dokumentasyon.
Mahaharap si Espiritu ng kasong paglabag sa PNP Code of Conduct and Ethical Standards at PNP Memorandum Circular 2017-013 o PNP Internal Cleansing Strategy.










