CAUAYAN CITY – Patuloy na namamayagpag ang talentong Pinoy sa nagpapatuloy na National Festival Of Talents (NFOT) 2020 na ginaganap sa lunsod ng Ilagan.
Sa ikatlong araw ng NFOT kahapon ay nakamit ng Baguio City National High School ang kampeonato sa Bayle sa Kalye Competition habang nagwagi ang National Capital Region (NCR) sa Himig Bulilit at itinanghal din ang Region 6 na kampeon sa likhawitan.
Samantala, nanalo ang rehiyon dos sa food processing, pintahusay at fruit curving.
Sa tagisan naman ng talento sa Filipino para sa madulang pagkukwento ay naiuwi ng Region 3 ang unang puwesto habang sa Sulat Bigkas ng tula ay nakuha ng Region 5 ang kampeonato.
Pinataob naman ni Clarence Bagay ng Tuguegarao Science High School ang labinlimang katunggali sa Popdev Debate at tinanghal siyang best debater.











