--Ads--

CAUAYAN CITY – Inaprubahan na ng Sangguniang Panglunsod ng Cauayan ang resolusyong inihain para sa pagbibigay ng pangalan sa ginagawang sports complex sa lunsod.

Sa inihaing resolusyon ni Sangguniang Panglunsod Member Atty. Paul Mauricio, nakalahad na ang ginagawang sports complex sa barangay Tagaran, Cauayan City ay papangalanang Benjamin G. Dy Sports Complex.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay SP Member Mauricio, sinabi niya na ang pagpapangalan sa naturang sports complex ay bilang pagpupugay sa dating punong lunsod ng Cauayan at punong lalawigan ng Isabela na si yumaong Benjamin G. Dy.

Ito ay dahil sa tagal anya ng paninilbihan sa lunsod at lalawigan ng naturang dating gobernador.

--Ads--

Sinang-ayunan naman ito ng iba pang miyembro ng Sangguniang Panglunsod.

Tinig ni SP Member Atty. Paul Mauricio.