--Ads--

CAUAYAN CITY  – Sumasailalim ngayon si Cauayan City Mayor Bernard Dy sa self-quarantine matapos magtungo noong March 11, 2020 sa opisina nina Senador Sherwin Gatchalian at Senador Juan Miguel Zubiri.

Ang dalawang senador ay nasa self-quarantine matapos makahalubilo ang isang nagpositibo sa Coronavirus (COVID 19).

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Mayor Dy na siya ay nasa Metro Manila ngayon kasama ang kanyang pamilya.

--Ads--

Hindi na siya umuwi sa Cauayan City mula nang manggaling siya sa Senado  noong March 11, 2020.

Ipinaliwanag ni Mayor Dy na nagtungo siya sa tanggapan ni Senador Zubiri para dalhin ang ilang request letters mula sa Isabela.

Nagtungo naman siya sa opisina ni Senador Gatchalian para ipabatid na kinansela ang Cagayan Valley Regional Athletics Association (CAVRAA) Meet sa Abril 2020.

Si Senador  Gatchalian ang inimbitahang maging guest speaker sa CAVRAA Meet 2020.

Ayon kay Mayor Dy, nalaman niya na bukod sa dalawang senador, lahat ng kanilang mga staff ay sumasailalim din sa self-quarantine.

Ang tinig ni Cauayan City Mayor Bernard Dy