--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagsisilbing inspirasiyon ng isang Guro ng Cabatuan National High School sa Cabatuan, Isabela ang kanyang kapansanan para gampanan ang kanyang pagiging guro.

Ito ay makaraan siyang mag-viral sa social media matapos umarte sa

kanyang klase bilang si Sisa sa Noli Me tangere na likha ni Dr. Jose Rizal.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginang Jenalyn Galapon Dela Cruz, sinabi niya na isa sa kanyang talento ay ang drama o pag-arte at tinanghal na rin siya bilang pinakamahusay na mambabalagtas noong taong 2013.

--Ads--

Aniya, isang taong gulang pa lamang siya nang mahulugan siya ng lalagyan ng tuba na naging sanhi para mabutas ang kanyang bungo at himala siyang nabuhay subalit kapalit nito ay nagkaroon siya ng kapansanan.

Matapos aniyang mapinsala ang kaliwang bahagi ng kaniyang utak ay naparalisa ang kanang bahagi ng kanyang katawan.

Ayon pa kay Ginang Dela Cruz, sa kabila ng kanyang kapansanan ay nagagawa niya ang kaniyang tungkulin bilang isang guro sa abot ng kanyang makakaya kahit gaano pa ito kahirap.

Tinig ni Ginang Jenalyn Galapon Dela Cruz.