--Ads--

CAUAYAN CITY – Hiniling ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) sa Korte Suprema na suspindihin ang hearing sa mga korte ng isang buwan bilang pakikiiisa sa mga hakbang para ma-contain ang Coronavirus Disease (COVID-19).

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni IBP National President Domingo “Egon” Cayosa na may kautusan ang Korte Suprema na suspindihin ang mga courth hearing ng hanggang March 18, 2020 para sa pagdis-infect sa mga korte.

Gayunman hindi ito sapat dahil sa ipinapatupad na isang buwang community quarantine sa Metro Manila ay may mga abogado na luluwas mula sa Visayas at may mga lalabas din sa Metro Manila para sa hawak nilang kaso sa ibang lugar.

Bukod dito ay nagpupunta ang maraming tao kapag may hearing sa korte.

--Ads--

Sinabi ni Atty. Cayosa na apektado ang kanilang kampanya na “Justice Bilis, Hindi Justice Tiis” ngunit sa ganitong health emergency sa bansa ay kailangang unahin ang kaligtasan at kalusugan ng nakararami.

Sinabi pa ni Atty. Cayosa na ang 87 chapters ng IBP sa buong bansa ay nagpapatupad na ng work from home scheme habang skeletal force sa national office ng IBP.

Kinansela na rin nila ang nakatakdang conference ng mga abogado sa Bukidnon ngayong Marso at ang Bicolandia regional conference sa Abril bilang pakikiisa sa mga hakbang para maiwasan ang pagkalat ng COVID 19.

Ang tinig ni Atty. Domingo Cayosa