
CAUAYAN CITY– Karagdagang 13 Persons Under Investigation na nakasalamuha ni Patient 275 na kauna unahang nagpositibo sa Coronavirus Disease (COVID 19) sa region 2 ang natukoy ng Cagayan Valley Inter Agency Task Force habang tatlo pa ang patuloy na hinahanap.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Elizabeth Binag, Information Officer ng provincial government ng Isabela, sinabi niya na kabilang sa mga natukoy ay ang isang pamilya na binubo ng 4 na tao na kinabibilangan ng 32 anyos at 31 anyos na babae, 3 anyos na bata at 10 buwan na sanggol.
Natukoy na rin ang isang 45 anyos na lalake na residente ng Barangay Centro San Pablo, Isabela na bumaba sa Cabagan, Isabela.
Maliban dito ay natukoy na rin ang 4 na pasahero mula sa Catabayungan, Cabagan, Isabela na kinabibilangan ng isang 38 at 24 anyos na lalaki, 23 anyos na babae 1t 21 anyos na babae.
Natukoy na rin ang 3 PUI’s na bumaba sa Reina Mercedes, Isabela na isang 44 anyos na lalake, 10 na batang lalake at isa pang 5 anyos na bata.
Ang PUI naman sa Cauayan City ay natukoy na residente ng Barangay Naganacan na isang 24 anyos na babae.
Aniya lahat ng mga natukoy na PUI’s ay asymptomatic at naka-quarantine maliban sa 32 anyos na nakitaan ng sintomas ng sipon bago pa sumakay sa bus.
Sa ngayon ay puspusan pa rin ang pagtukoy ng Cagayan Valley Inter Agency Task Force upang matukoy pa ang iba pang nakasakayan sa bus noong March 11 na galing sa Metro Maynila










