CAUAYAN CITY – Dumating na sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC) ang supply ng Personal Protective Equipment o PPE na mula sa Department od Health (DOH)
.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Glen Matthew Baggao Chief of Hospital ng CVMC, sinabi niya na dumating na ang mga PPE na kinabibilangan ng 10,000 surgical mask, 2,000 N95 mask, 5,000 pares ng gloves at ilang botelya ng alcohol.
Maliban dito ay inaasahan na rin ang pagdating ng mga testing kits mula rin sa DOH.
Samantala nanawagan naman siya sa mga opisyal ng pamahalaan na gawing prayuridad sa testing ang mga pasyenteng inoobserbahan o PUI’s na may mga sintomas na.
Aniya dahil sa limitadong testing kits ay mas prayuridad nila ngayon ang pagsasailalim sa testing ng mga ito.
Ayon pa kay Dr. Baggao kukunan ng specimen ang mga PUI’s na may sintomas ng COVID-19 at saka ipapadala sa Research Institute for tropical Medicine ( RITM )
Aniya sa pamamagitan ng pagpra-prayoridad sa mga PUI’s ay mas napapabalis ang paglabas ng mga resulta ng mga ito.