--Ads--

CAUAYAN CITY – Naglalagay ang mga mamamayan sa Italy ng flag o bandila ng kanilang bansa sa bintana ng kanilang mga bahay.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Malyn Macuja, OFW sa Italy at tubong Roxas, Isabela, sinabi niya na ang nasabing hakbang ng mga mamamayan ay upang mapataas ang moral ng bawat isa na malagpasan ang COVID-19.

Maging ang mga Overseas Filipino Workers doon ay nagsasabit na rin ng mga bandila ng Italy upang maipakita ang pagsuporta sa pamahalaan ng nasabing bansa.

Kinakailangan aniyang palakasin ang kalooban ng bawat isa dahil napakahirap ng kanilang kalagayan ngayon.

--Ads--
Tinig ni Malyn Macuja, OFW sa Italy.