CAUAYAN CITY – Umabot na sa 11 isa ang nagpositibo sa COVID 19 sa buong region 2
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Dr. Leticia Cabrera , OIC Asst. Regional Director ng DOH region 2 na mula sa limang kaso ng COVID 19 ay nadagdagan ng anim na COVID Positive.
Sinabi ni Dr. Cabrera na ang mga naidagdag na pasyente ay si PH 837, 52 anyos na babae at si PH838 na 25 anyos na babaeng buntis na kapwa residente ng Alicia, Isabela at kapwa may history ng travel sa Metro Manila..
Habang si PH840 na 27 anyos na lalaki na mula Alicia, Isabela ay walang travel history at hindi malaman kung paano nahawa ngunit na-admit sa CVMC at nagpositibo sa test.
Naidagdag rin si PH839 na 31 anyos na babaeng nurse ng CVMC sa Tuguegarao City at si PH841 30 anyos na babaeng nurse din ng CVMC at PH893 73 anyos na babae na residente ng Tuguegarao City.
Ang tatlong taga Tuguegarao City na nagpositibo ay walang travel history sa labas ng bansa ngunit mayroong silang exposure sa PH275
Samantala, unti unti nang nakaka-recover ang PH801 na kauna unahang ngapositibo sa COVID 19 sa Isabela..
Habang ang isang 65 anyos na lalaki at residente ng Roxas, Solano, Nueva Vizcaya na unang nagpositibo sa kanilang lalawigan ay nauna nang binawian ng buhay bago mailabas ang kanyang test.
Ang patient 661 ay isang 39-anyos na lalaki na taga-Tuao, Cagayan na nagtungo sa Metro Maynila para salubungin ang kanyang misis na dumating mula sa Hong Kong.
Siya ay nasa maayos ng kalagayan sa isang isolation room ng Cagayan Valley Medical Center (CVMC) sa lunsod ng Tuguegarao.
Ang patient 662 ay isang 70-anyos na kilalang tao sa Gattaran, Cagayan at nasa home quarantine.
Matatandaang unang nagpositibo sa COVID-19 si patient 275 na isang fireman na taga-Tuguegarao City ngunit nakatalaga sa Sta. Mesa, Manila na nasa maayos na ring kalagayan ngayon.










