--Ads--

CAUAYAN CITY – Nadagdagan pa ang bilang ng mga bayan na nakapagtala ng kaso ng African Swine Fever (ASF).

Umakyat na sa 16 ang mga apektadong bayan habang pumalo na sa 37 ang nakapagtala ng kaso ng ASF.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Angelo Naui Provincial Veterinary Officer ng Isabela, sinabi niya na ang mga naidagdag ay ang Barangay Raniag sa Ramon, Barangay Donia Paulina, San Isidro, at Sinamar sa Roxas, Isabela.

Aniya sa kabuuan ay may 2,280 na baboy na ang isinailalim na nila sa culling upang mapigilan ang paglaganap ng sakit sa iba pang mga barangay.

--Ads--

Ayon pa kay Dr. Naui, sa mga nakaraang linggo ay dalawa hanggang tatlong beses sila nagsasagawa ng culling kahit paisa-isa na lamang ang naitatala nilang may kaso ng ASF.

Unti-unti nang nako-contain ng pamahalaang panlalawign ang kaso ng ASF sa Iabela.

Malaking tulong aniya ngayon sa pagbagal ng pagkalat ng ASF sa lalawigan ang maigting na pagbabantay sa mga COVID at ASF checpoints.

Bagamat pansamantalang nahinto ang pamamahagi ng ayuda ng pamahalaang panlalawigan ng Isabela sa mga backyard hog raisers na na-cull ang mga baboy ay tiniyak ni Dr Naui na kapag humupa na ang usapin sa COVID 19 ay ipagpapatuloy nila ang pamamahagi ng tulong.

Aniya sa ngayon ay dalawang team ng Provincial Veterinary Office ang aktibo sa pagmomonitor ng mga naitatalang kaso ng ASF sa bawat bayan.

Tinig ni

Isang team ang sumusuri sa mga nauulat na baboy na nakitaan ng sintomas habang ang isa pang team ang nangunguna sa pagkumpirma kung positibo sa ASF ang nasbaing mga baboy.