--Ads--

CAUAYAN CITY – Patay ang isang lineman ng Isabela Electric Cooperative (ISELCO 2) na isa sa mga frontliner habang ginagampanan ang kanyang tungkulin sa Cabagan, Isabela

Ang biktima ay nakilalang si Leo Agsunod, 28 anyos na residente ng Tumauini, Isabela

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni General Manager Dave Solomon Siquian ng ISELCO 2 na kasama si Agsunod sa mga skelletal force sa kanilang Cabagan Branch upang tiyakin ang maayos na daloy ng kuryente habang nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine ang buong Luzon.

Sinabi pa ni General Manager Siquian na may tumawag sa kanilang tanggapan dahil sa naganap na outage sa isang transformer.

--Ads--

Kaagad naman itong tinugunan ng naka-duty na lineman na si Agsunod.

Habang nagsasagawa anya ng trouble shooting ang biktima ay bigla na lamang umanong nakuryente na nagsanhi ng kanyang kamatayan.

Kompleto naman anya ng personal protective equipment o safety gear ang biktima.

Magsasagawa na sila ng imbestigasyon ang pamunuan ng nasabing kooperatiba ukol sa pagka-kuryente ng kanilang lineman.

Tinig ni ISELCO 2 Gen. Manager Dave Solomon Siquian

Tiniyak naman niya ang tulong sa pamilya ng biktima