--Ads--

CAUAYAN CITY – Sinimulan na ng Provincial Task Force ng Isabela ang contact tracing sa mga nakasalamuha ng tatlong nagpositibo sa COVID-19 sa Alicia, Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Elizabeth Binag, Information Officer ng lalawigan ng Isabela, sinabi niya na simula noong Biyernes ay nagsimula na ang task force ng lalawigan sa pagsasagawa ng contact tracing sa mga nakasalamuha nina PH837, PH838, PH840.

Nagtutulungan aniya ang PHO, RHU at BHERTS sa isinasagawang contact tracing.

Sa ngayon, ay wala naman umanong sintomas na nararamdaman ang mga kasama ng tatlo sa kanilang bahay sa Mabini, Alicia.

--Ads--

Ayon kay Atty. Binag, si PH837 na 52-anyos na babae ay dati ng hypertensive at diabetic gayundin na nagkaroon ng mild na ubo at sipon na may on and off na lagnat simula noong March 16 hanggang 18.

Na-admit siya sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC) noong March 19 bilang Person Under Investigation (PUI).

Sumunod na nagpositibo sa nasabing bayan ay si PH838 na 25-anyos na babae at mahigit isang buwang buntis.

Nagsimula siyang magkaroon ng ubo noong Mrach 15 at nagkaroon ng lagnat March 17 hanggang 18.

Na-admit din siya sa CVMC noong March 19 bilang PUI.

Pangatlo ay si PH840 na 27-anyos na lalaki.

Nagkaroon siya ng ubo simula noong March 11 hanggang 18 at nagkaroon din ng lagnat.

Gaya ng naunang dalawang pasyente ay na-admit din siya sa CVMC bilang PUI.

Ang tatlong pasyente ay isang pamilya lamang at may travel history sa kalakhang Maynila.

Tinig ni Atty. Elizabeth Binag, Information Officer ng lalawigan ng Isabela.