--Ads--

CAUAYAN CITY – Labindalawang health workers ng Region 2 Trauma and Medical Center sa lalawigan ng Nueva Vizcaya ang naka-hospital quarantine ngayon matapos na ma-expose kay PH774.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Danilo Antonio Alejandro, Medical Center Chief ng Region 2 Trauma and Medical Center, sinabi niya na umabot sa labindalawang health workers ng pagamutan ang nagpakita ng sintomas ng COVID-19 gaya ng ubo, sipon at lagnat kaya sila ay ikinunsiderang Persons Under Investigation (PUI).

Ang pagamutan mismo ang nag-quarantine sa kanila para sila na mismo ang makapagmonitor kung magkaroon sila ng sintomas.

Sa labindalawang ito ay lima ang doktor.

--Ads--

Ayon kay Dr. Alejandro, apektado na ang operasyon ng nasabing pagamutan dahil sa mga PUI nilang health workers subalit ginagawa pa rin nila ang lahat ng kanilang makakaya para matugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan.

Nanawagan naman siya sa mga gustong magbigay ng Personal Protective Equipment (PPEs) dahil kailangang-kailangan nila ito ngayon lalo na at nadagdagan pa ang nagpopositibo sa COVID-19 sa kanilang lalawigan.

Tinig ni Dr. Danilo Antonio Alejandro, Medical Center Chief ng Region 2 Trauma and Medical Center.