--Ads--

CAUAYAN CITY – Naaresto ang dalawa pang suspek sa panghoholdap sa mag-asawang negosyante na may-ari ng isang gasolinahan sa barangay Dangan, Reina Mercedes, Isabela.

Nakilala ang mga naaresto na sina Efren Adelan 40 anyos, may asawa, walang trabaho at residente ng Alinam, Cauayan City at si Samson Pagaduan, 29 anyos, may asawa, helper at residente ng Roxas, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan mula sa Cauayan City Police Station, positibo umanong nakilala ng isang pulis sa Reina Mercedes Police Station ang dalawang suspek sa panghoholdap sa negosyanteng si Michael Etrata at kanyang misis noong gabi ng Linggo.

Dahil dito ay ipinagpatuloy ng pinagsanib na puwersa ng Cauayan City Police Station at Reina Mercedes Police Station ang kanilang hot pursuit operation kahapon.

--Ads--

Nadakip si Adelan habang naglalakad sa barangay road ng Carabbatan Chica, Cauayan City.

Nasamsam sa pag-iingat ng suspek ang isang Caliber 45 na baril na may serial number na 492726 at may 9 na bala.

Nadakip naman si Pagaduan habang nagtatago sa kisame ng pinagtatrabahuan sa barangay Tagaran, Cauayan City.

Ipinasakamay na sa Cauayan City Police Station ang dalawnag suspek para sa pagsamsampa ng mga kaso.

Matatandaan na natangay ang 250,000 na kita ng MCE Enterprises na pag-aari ng mag-asawang Etrata.

Kabilang sa mga suspek sa panghoholdap si PLt. Oliver Tolentino na hindi tumigil sa checkpoint sa Turod, Reina Mercedes, Isabela at Tagaran, Cauayan City ngunit matapos ang ilang oras ay sumuko sa Cauayan City Police Station.