--Ads--

CAUAYAN CITY – Umabot na sa 23, 707 na relief packs ang naihanda ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) region 2 na ibibigay na dagdag na ayuda sa mga mamamayan sa ikalawang rehiyon.

Madadagdagan pa ang nasabing bilang dahil patuloy ang pagrerepack ng mga kawani ng DSWD region 2 katuwang ang mga ipinadalang pulis ng Philippine National Police (PNP).

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Ginoong Chester Trinidad, Information Officer ng DSWD region 2 na maaaring humingi ng tulong sa kanila ang mga bayan at lalawigan kapag naipamahagi na lahat ang kanilang mga sariling inihandang relief packs.

Tiniyak din ni Ginoong Trinidad na tuluy-tuloy ang pamamahagi nila ng social pension sa mga senior citizens sa kabila ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).

--Ads--

Nakikipag-ugnayan sila sa mga LGU’s para sila ang maghahatid sa mga benepisaryo ng kanilang social pension.

Ang mga Overseas Filipino Workers (Ofw’s) naman na dumating sa Pilipinas at hindi makabalik sa pinagtatrabahuang bansa dahil sa Coronavirus Disease (COVID-19) ay maaaring humingi ng tulong sa munisipyo sa kanilang lugar na siyang magpapadala ng referral sa DSWD region 2 para sa pagkakaloob ng financial assistance.

Magsasagawa aniya ng assessment ang mga social worker para sa pagbibigay ng tulong pananalapi sa mga OfW.

Kailangan nilang magbigay ng requirement alinman sa limang ito: passport na may arrival stamp,  proof of departure ticket,  overseas employment certificate, employment contract, documento na magpapatunay na repariated at hindi nakaalis sa Pilipinas dahil sa COVID 19.

Ang tinig ni Information Officer Chester Trinidad