--Ads--

CAUAYAN CITY – Nasawi ang isang binatilyo matapos na makuryente habang nanghuhuli sila ng mga isda sa isang sapa sa Luzon, Cabatuan, Isabela.

Ang namatay ay si Davidson Dela Vega, 16 anyos, out-of-school youth at residente ng Mambabanga. Luna Isabela.

Sa pagsisiyasat ng Cabatuan Police Station, nagtungo ang biktima kasama ang iba pa sa isang creek para mangisda nang aksidente niyang matapakan ang isang improvised electro-fishing device  na naging sanhi ng kanyang pagkoryente.

Agad na dinala sa isang pribadong ospital sa Cauayan City ang binatilyo subalit idineklarang dead on arrival ng kanyang attending physician.

--Ads--