CAUAYAN CITY – Minomonitor ng Humanitarian Assistance and Disaster Response team ng 5th Infantry Star Division Philippine Army ang apat na Persons Under Investigation (PUI) mula sa kanilang hanay.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Major Noriel Tayaban, chief ng Division Public Affairs Office (DPAO) ng 5th Infantry ID, sinabi niya na dalawa sa 4 na sundalong PUI ang nasa strict home quarantine, isa ang isolated sa kampo at isa ang nasa Cagayan Valley Medical Center (CVMC) sa Tuguegarao City.
Ayon kay Major Tayaban, bilang pagtalima sa pagpapatupad ng precautionary meassures ay tinitiyak nila na lahat ng kanilang mga sundalo na lalabas at itatalaga sa mga checkpoints ay may sapat na Personal Protective Equipment (PPE) upang matiyak na ligtas sila sa virus.
Ang lahat naman ng mga papasok sa kanilang kampo ay isinasailalim sa disinfection.
Puspusan na rin ang pamamahagi nila ng mga mahahalagang impormasyon sa pamamagitan ng loudspeaker operation ng kanilang hanay sa mga barangay sa kanilang nasasakupan.




