--Ads--

CAUAYAN CITY -Inaresto ang dalawang magsasaka matapos mahuli sa aktong umiinom ng alak na paglabag sa umiiral na Liquor Ban sa ilalim ng Enhance Community Quarantine sa Barangay Labang, Ambaguio.

Sa impormasyong nakalap ng Bombo Radyo Cauayan sa Ambaguio Police Station, kinilala ang mga nadakip na sina Lito Dumaguing, 22 anyos, may asawa habang at Johnny Tahin, 28 anyos, binata, kapwa magsasaka at residente ng nasabing lugar.

Ayon kay Police Staff Master Sgt. Ronaldo Velarde ng Ambaguio Police Station, nakatanggap sila ng tawag muls sa isang concerned citizen sa nangyayaring drinking session sa nasabing lugar

Dahil sa impormasyon, agad na tumugon ang mga otoridad at nakita sa aktong nag-iinuman ang dalawang magsasaka kaharap ang dalawang malaking bote ng alak .

--Ads--

Dinala sa himpilan ng pulisya ang dalawang pinaghihinalaan at kasuhan ng paglabag sa Republic 11332 kaugnay sa umiiral na liquor ban sa ilalim ng Enhanced Community Quarantine.